Miyerkules, Enero 23, 2013

DCI #59538365



Anung pangalan mo?
 -
Jonel Anthony Gregorio

Saan ka naglalaro ng Magic?
-Kung san abutin ng kati ng pagbabalasa pero madalas sa M4 Recto.

Anung Format?
-Madalas ako maglaro ngayon EDH. May deck din ako sa LEGACY pero steady lang pag me nagyaya sige laro.

Kelan ka nagsimula maglaro?
-Isang maulang tanghali nuong 1998 habang bumabagyo at brownout, Nakita kong naglalaro ang dalawang kakilala at nagpaturo maglaro.

Paboritong Kulay?
-Itim!!!! Mwahahahaha!

Paboritong card?
-Duress, ayaw ko ng thoughtseize kasi me 2 damage kung creature naman, surebol me sagot naman dun itim bleh.

Sino ang paborito mong Planeswalker?
-Nagaantay ako magkaroon ng asian na planeswalker, pero habang wala Sorin Markov at Lilliana.

Ano ang paborito mong Guild bukod sa TBS?
-Dimir.

Team kung meron man?
-TJB, Mga batang bugoy ng M4 recto, YFC joke lang hahaha.


Alin ka sa mga ito: Timmy, Johnny, or Spike? (Batayan)
-Johnny

Gaano kadalas ang minsan? Este kadalas maglaro?
-Madalas every weekend tapos pagdating ng alas sais inom habang nag EDH.

Ano ang alam mo sa MTG na hindi alam ng karamihan?
-Mag bend test. Wala ako maisip eh.

O sige, What is your greatest strength and weakness as a Magic player?
-Wow I'm noseblood don't english I'm not college. Strength, hmmm siguro flexible sa pagpilot ng maski anong deck. Weakness.. pera pambili ng cards kaya flexible ako maski funkee deck pwede na hahaha.

Sa tingin mo, paano nakaapekto ang Magic sa buhay mo ngayon?
-Natuto ako magtipid. Para makabili ng baraha.

Achievements?
-Most behave class of 1994. Pero kung sa Magic di ko alam FNM champ ng ilang beses lakas chumamba eh hahaha.

Mga deck na ipinagmamalaki mo?
-Lahat sila actually, BelcherLegacy , Stax Legacy, Norin EDH, Balthor EDH, Jarad EDH, Hive Mind Modern.

Final Statements?
- Di ko alam hahaha. Casual player lang ako eh kaya enjoy enjoy lang sa laro, kung palarin manalo ty ganun lang hahaha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento